batas ng lansangan
Monday, November 30, 2015
Pagbabalik
Nais ko sanang kumustahin kayong lahat kung sa nakaraang tatlong taon ay may makabuluhang nangyari sa ating mga buhay... Ang inyo pong lingkod ay meron namang maibabahagi sa inyo.. Natapos na po ang ating kurso sa kolehiyo na Pampublikong Pamamahala at tayo din po ay naiangat na sa posisyon sa ating pinapasukan. Binigyan po tayo ng pagkakataon na mamahala ng 30 empleyado. Para po maibalik naman sa kanila ang tiwalang ibinigay ng kompanya, atin naman pong ibinabahagi ang ating natutunan sa kurso. Sa ngayon po ay positibong mga bagay muna ang ating itatalakay upang mabawasan naman ang ating "stress". Lubos po akong nagpapasalamat sa mga nakabasa at nakaunawa sa ating saloobin at hangad ko po ang inyong kasaganahan pang-pisikal at pang-ispiritwal na din.. Pagpalain po tayong lahat.. Mabuhay ang isang bansang malaya...
Monday, October 29, 2012
Ikapitong Yugto: Eskwela-kwela 2
Simulan natin ang diskusyon sa isang magandang hapon na pagbati sa inyong lahat! Bahagyang nahinto ang pasulat ng inyong lingkod upang bigyang daan ang ating pag-aaral ng kusong Pampublikong Pamamahala.
Sa mga nagdaang mga araw, lingo at buwan, nakalikom ng mahahalagang kaisipan ang aking sarili na naging dahilan upang rebisahin ko ang isa sa mga naisulat ko na: ang Eskwela-kwela.
Sa ating panahon ngayon na puno ng agam-agam at kahirapan, naisipan kong dagdagan ang mga ideyang aking nabanggit sa unang yugto. Ang pag-aaral sa isang institusyon na may responsibilidad sa bawat paggawa. Hindi sapat na tayo ay pumapasok lamang upang mag-aral at matuto ngunit dapat din nating ikintal sa ating isipan na responsibilidad nating magamit ang ating mga natutunan. Ito'y sa ating bahay at sa ating kapaligiran. Maging responsable tayo sa ating mga kinikilos at sinasabi at ipakita natin na tayo ay karapat-dapat na tawaging mag-aaral. Lahat ay pwedeng mag-aral, kayang matuto ngunit hindi lahat ay responsable. Ang pagiging responsableng mag-aaral ay pundasyon ng isang pagiging mabuting mamamayan. Ang karunungan ang magpapalaya sa atin mula sa kahirapan at kung sasamahan pa ng pagiging responsable, ay hindi lamang tayo ang makakalaya sa kahirapan bagkus pati ang ating kapwa-tao.
Monday, April 16, 2012
Ika-anim na Yugto: Lupaing Kinamkam ng Mahirap
Lumalaki na ang ating populasyon. Lumalaki na din ang bilang ng mga mahihirap sa ating bansa. Higit na madami ang nasa ilalim sa atin sapagkat hindi sila mabigyan ng pagkakataong umangat. Sila ba o ang ating gobyerno ang may kasalanan? Sa aking pananaw ay tila nagiging hadlang pa ang ating mga kababayang mahirap sa pag-unlad ng ating bansa. Isang halimbawa ay ang mga iskwater na nakatira sa paligid ng pampubliko o pribadong pag-aari. Matagal silang tumira sa mga lugar na ito na libre ang paggamit ng kuryente, tubig at renta. Mahabang panahon din ang kanilang inilagi na dapat sana ay nag-ipon sila upang pagdating ng panahon na bawiin na sa kanila ang lupang may nagmamay-aring iba, ay madali silang makakaalis dito. Isipin mong kapag binabawi na ng may-ari ang lupa ay ang mga iskwater pa ang matatapang at animo'y nasa kanilang lahat pa ang karapatan.Siyempre, ang gagawin ng may-ari ay gagastusan ng malaki ang pag-papaalis upang masiguro nito na makuha ulit ang pag-aari. Ang mga iskwater naman ay lalapit sa mga politiko at ang mga ito nama'y animong mga santo na tagapagligtas na kakampihan ang mga mapang-abusong nilalang upang mapangalagaan lamang nito ang pangalan. Ito rin ang isang ugat ng korapsyon sa ating pamahalaan. Imbes na kumilos ang ating gobyerno ay nag-aantay ito kung sino ang mas mapapakinabangan sa dalawa.
Demokrasya nga ang ating bansa ngunit sa tingin mo ba ay
natutulungan nito ang bawat Filipino? Hindi ba masama ang sobrang kalayaan
dahil likas sa atin ang mapang-abuso? Dalawa lamang ang tao dito sa mundo;
isang manloloko at isang makulit; makulit dahil sa paulit-ulit na ginagawa ay
pawang hindi nagtatanda o nakukuha ang aral mula rito. Masama ang sobrang
kalayaan dahil kung minsan ay natatabunan nito ang katarungan. Lalo na sa uri
ng ating politika ay kitang-kita ang masamang dulot ng sobrang kalayaan. Kung saan ang nakakarami ay nandoon ang lakas at boses ng ating bansa. Ngunit
nakakasiguro ba tayo na makatarungan ang binibigkas ng kanilang tinig?
Sa aking palagay, ang isang magandang solusyon na dapat gawin ng ating gobyerno ay ang pagbibigay
siglang muli sa agrikultura ng ating bansa. Malalawak ang mga lupain sa ibat-ibang
lalawigan ng ating bansa at kailangan lamang na pagyamin ito ng mga tao. Ilipat
ng gobyerno ang mga taong walang pirmihang tahanan dito sa siyudad na puro pamamalimos lamang ang gawi, sa mga karatig - lalawigan at duo'y tulungan silang linangin ang mga likas na yaman na ang
kanilang mga kamay lamang ang hinihintay. Matutulungan na ng ating pamahalaan
ang mga tao ay matutulungan din nito ang ibang Filipino sa buong bansa. Hindi
na natin kailangang umangkat ng ibang pagkaing produkto sa ibang bansa sapagkat tayo na
mismo ang nagtatanim ng mga ito. Hindi na lalabas pa mula sa ating bansa ang
mga may pinag-aralan upang magtrabaho sa ibang bansa sapagkat dito lamang sa
ating sariling bayan ay maganda na ang kanilang hinaharap. Isa itong
"domino effect" na kapag ginamitan lamang ng "will power"
ay siguradong maganda ang magiging bunga. Sana ay kaisa ka din sa aking mga
paniniwala at prinsipyo.
Isang magandang
gabi sa ating lahat.
Wednesday, April 4, 2012
Visita Iglesia
Tuwing Huwebes Santo ay nakaugalian ko ng mag-Visita Iglesia. Pagpunta sa labing-apat na simbahan sa pamamagitan ng paglalakaad upang magnilay-nilay, alalahanin ang mga nagawang kasalanan sa Diyos, sa kapwa at sa sarili.
Masarap ang nakagawiang tradisyon dahil marami kang mapupulot na aral habang ikaw ay naglalakad patungong simbahan. Mapapansin mo ang iba nating kababayan na namamalimos sa gilid ng simbahan kasama ang mga anak, o kung minsan ay mga bulag na kumakanta at nagigitara. Kung ikaw ay maaawa, magbibigay ka ng barya; pero kung iisipin natin, tama ba o mali ang iyong ginawa? Sa kaunting baryang naibigay mo ay sigurado ka bang sa kanila mapupunta ang pera?;sa pagkain ba gagastusin?
Marami sa kanila ay biktima ng mga sindikato na nandito sa Maynila. Ikinakalat sila sa mga matataong lugar upang mamalimos at pagsapit ng hapon ay "sinusundo" sila ng mga miyembro nito. Malaking pera din pag pinagsamasama ang mga barya at ang tanging nakikinabang ay ang mga salot na sindikato.
Hindi masama ang tumulong sa kanila ngunit isipin din natin na ang ating ibininigay ay nagsisilbing "gatong" sa nagniningas na baga ng kasamaan. Maganda kung pagkain na lang ang ating ibigay sa mga kababayan nating hindi masyadong pinalad sa buhay.
Isang mapagpalayang tanghali sa ating lahat...

Tuesday, April 3, 2012
Ikalimang Yugto: Politika at Administrasyon (2/2)
Ibaling naman natin ang talakayan sa administrasyon. Ang tao ay bumubuo ng organisasyon upang makamit ang mga mithiin nito. Mas madaling magawa ang kanilang mga mithiin kung sila ay marami, may iisang paniniwala, prinsipyo at hangarin. Ang tao ay likas na walang kasiyahan at hindi nakukuntento sa kanyang mga tinatamasa. Kaya nito naisipang bumuo ng organisasyon ay upang makamit nito ang mga hangarin na hindi kayang gawin ng nag-iisa lamang.
Sa isang organisasyon, kinakailangang hindi lahat ng kasapi nito ang mamuno. Hindi lahat ay lider. Kinakailangang humirang ng mamumuno sa kanila upang mapatakbo ang organisasyon. Ang tawag dito ay administrasyon.
Sa pamamagitan ng administrasyon, nagkakaroon ng balangkas ang isang organisasyon. Sa tulong nito ay napagkakaisa ang mga layunin ng isang organisasyon. Nagagawa nitong mapatupad ang mga palatuntunan na kailangang sundin ng mga miyembro upang maging maayos ang pamamalakad at takbo ng organisasyon.
Mahalagang aspekto ng isang administrasyon ay pagkakaroon ng mga lider na may malawak na kaalaman at pang-unawa sa pagpapatakbo nito.Malawak na edukasyon. Hindi sapat na sila ay popular o maimpluwensiya lamang upang maging pinuno. Importante din na sila ay hangaring mapabuti ang buong organisasyon, hindi lamang ang mga sarili nila.
Ang politika at administrasyon ay magkapatid na hindi puwedeng mawala ang isa. Sa mga politiko nanggagaling ang mga batas na ipatutupad ng administrasyon, at sa administrasyon naman manggagaling ang mga salik na kailangan ng mga politiko upang magpatuloy ito sa paggawa ng batas. Higit na mapapabuti ang antas ng pamumuhay ng mga kasapi sa organisasyon kung ang dalawang ito ay magkatulong sa paghubog ng mga bagay na kailangan ng organisasyon.
Sa sistema ng ating lipunan ngayon, tila baligtad ang nangyayari. Inaabuso ng politika ang kapangyarihan ng administrasyon upang makamit nito ang pansariling hangarin. Lubhang nababahiran ng masamang imahe ng politika ang pagpapatakbo sa ating gobyerno kung kayat ang taong-bayan ang siyang naaapektuhan. Mabagal na pag-unlad ng bansa ,mataas na buwis, mataas na bilihin, kawalang trabaho, nabubulok na pasilidad ng gobyerno ang ilan lamang sa masamang dulot ng ganitong uri ng sistema .
Ano ang solusyon sa ating problema? Isa sa nakikita kong paraan ay ang pag-angat ng antas ng edukasyon dito sa ating bansa. Kapag marami na sa ating mga kababayan ang nabigyan ng sapat na edukasyon, dadami ang bilang ng mga mamamayan na may kakayahang iambag ang kaalam nito. Lalaya na tayo sa matagal ng baluktot na sistema, na ang mga may kayamanan lamang ang may karapatang mamuno sa ating gobyerno. Lalaya na tayo sa tunay na nang-aalipin sa atin.. ang kamangmangan.. Wala pang bansa sa buong mundo na mayroong isandaang porsiyento ng mamamayan ang marunong magbasa,magsulat at magsalita para sa bayan ngunit hindi masama ang mangarap.
Mahirap ngunit hindi imposible ang panaginip na ito at kung sisimulan na ng ating mga politiko at administrador ang tamang tahakin, hindi malayong magkatotoo ang aking adhikain.
Isang ligtas na gabi sa ating lahat.

Monday, April 2, 2012
Ikalimang Yugto: Politika at Administrasyon (1/2)
Marami sa atin ang hindi nakakaalam ng kahulugan ng politika. Kapag ikaw ay natanggal halimbawa sa iyong trabaho dahil sa pag-aakala mong marami kang kaaway, ang unang pumapasok sa isip mo ay napulitika ka. May bahagyang tama sa inisip mo ngunit kung titignan mo ang buong litrato, ikaw ay mali. Ibigay natin ang kahulugan ng poliika ayon tamang kahulugan nito: galing sa salitang griyegong politikos o may kaugnayan sa mamamayan; isang paraan kung saan ginagamitan ng kapangyarihan, impluwensiya; sining at agham ng pamamalakad ng gobyerno;puwede ding isama ang mga grupo o sektang kinabibilangan ng ibat-ibang relihiyon,pang-akademya at sa mga korporasyon. Sa madaling salita, ang pakaka-buklod-buklod ng grupo ng mga tao na may iisang layunin na gumagamit ng mga nabanggit ay matatawag na politika. Dito sa ating bansa, ay matindi ang politika. Maaring nag-ugat ito mula pa sa ating mga ninuno. Matatandaang bago pa tayo nasakop ng mga kastila ay ibat-iba ang sistema ng pamahalaan dito sa atin. Ibat-iba ang namumuno kada lugar o tinatawag na baranggay. Ang sistemang politikal noon ay maihahalintulad sa isang monarkiya o authoritarian kung saan ang namumuno ay nasa isa o grupo ng mga tao lamang ang kapangyarihan. Ang malaking makinarya nito ng kayamanan, kaalaman at impluwensiya ang ginagamit na armas upang mamuno. Sa bawat baranggay ay may tinatawag na datu, sultan, lakan na ibat-iba ang paraan ng pagpapatakbo sa lipunan. Iisang bansa tayo ngunit may ibat-ibang mukha ng politika. Iisang lahing pinanggalingan ngunit magkakalaban...
Ibalik natin sa kasalukuyan, oo nga at iisa ang ating sistema ng gobyerno ngunit ibat-iba pa din ang ating paniniwala at prinsipyo pagdating sa politika. Kultura na natin ang magkaroon ng magkakaibang prinsipyo pagdating sa politika. Nakatatak na sa ating isipan na ang ating prinsipyo ang umaaninag at bumubuo sa ating pagkatao. Dito nakasalalay ang ating katayuan sa lipunan.
Ngunit paano kung mali ang ating prinsipyo? Nasa maimpluwensiya, makapangyarihanng tao ang maling prinsipyo? Dito nag-iiba at nagiging masama ang pigura ng politika. Sariling interes ng iilang grupo ang iiral sa lipunan at ang mga mahihina ang siyang magtatamo ng masamang bunga nito. Sadyang nakagugumon ang kapangyarihan at kahit sinong maiupong lider ay tiyak na aabuso ito sa kapangyarihan. Bakit? Sapagkat ang pagiging makasarili ay bahagi na ng ating kultura. O kung hindi man ay ang impluwensiya na nasa ating paligid.
Sa karugtong na yugto ay pipilitin nating maibigay at maipaliwanag ang mga paraan kung paano maisasaayos ang sistemang politikal sa ating bansa.
Magandang umaga sa ating lahat...

Monday, March 26, 2012
Sampung Utos ng Lansangan
Atin namang pag-usapan at talakayin ang tinatawag na SAMPUNG UTOS NG LANSANGAN, mga utos na nababagay at naaangkop sa ating madumi at magulong lipunan. Binigyan tayo ng Sampung Utos ng Diyos sa pamamagitan ni Moises. Pinasimple ito at pinadali ng ating Panginoong Hesus: Mahalin mo ang Diyos at Mahalin mo ang kapwa mo.. Mga utos na sundin lamang natin at tayo ay magiging banal at kaaya-aya sa ating Lumikha. Ngunit sa mga utos na ito, ilan lamang ang ating nagagawa at naisasabuhay. Ayokong manisi dahil tayo ay likas na mahina at madaling matukso. Sa ating lipunang ginagalawan, kinakailangang may mga alituntuning sinusunod upang makalagpas sa kabulukan ng sistema. Narito ang Sampung Utos ng Lansangan:
1. IGALANG AT IRESPETO ANG SARILI NG HIGIT SA LAHAT.
- Nag-iisa lang ang iyong buhay. Walang kayamanan dito sa mundo ang maaaring makabili at makatumbas sa iyong buhay. Igalang mo ito at irespeto ng higit sa anumang bagay dito sa mundo.
2. HUWAG ILAGAY SA KAHIHIYAN AT KAPALALUAN ANG SARILI.
- Sa pagrespeto sa sarili, huwag kang gagawa ng mga bagay na ikahihiya ng lipunan mo.
3. MAGLAAN NG ORAS NG PAHINGA SA SARILI.
- Kailangan ng katawan at isipan natin ang pahinga. Kung ang makina nga ay hihinto, tayo pa kaya na dugo at laman ang hindi napapagod.
4. GALANGIN AT IRESPETO ANG IBA
- Kung gusto mong igalang at respetuhin ng kapwa mo, matuto kang gumalang at rumespeto sa iba. Isaalang-alang mo rin ang damdamin nila.
5. INGATAN ANG IYONG BUHAY.
- Sa panahon ng kaguluhan, madali na sa atin ang makakitil ng buhay. Ingatan at pangalagaan ang iyong buhay ng buong tapang at talino.
6. IPAGLABAN ANG IYONG ASAWA.
- Likas na makamundo ang tao. Kung mahal mo ang iyong asawa, ipaglaban ito ng sukdulan. Walang sinuman ang may karapatang umangkin sa iyong kabiyak.
7. IPAGLABAN ANG IYONG ARI-ARIAN.
- Tanging sarili mo lamang ang may karapatan sa iyong mga ari-arian. Walang sinuman ang may karapatang umangkin nito. Huwag hayaang kuhanin ito ng kung sinuman.
8. IPAGLABAN ANG DIGNIDAD
- Walang sinuman dito sa mundo ang may karapatang humusga sa iyo. Tanging sarili mo lamang ang nakararaok sa nilalaman nito. Huwag hayaang sirain ng iba ang iyong pangalan.
9. ALISIN ANG INGGIT.
- Nakamamatay na kasalanan ang inggit. Mayron kang dalawang kamay upang paghirapan at pagtuluan ng pawis at dugo ang iyong kayamanan. Iwasang gumastos ng higit sa iyong kinikita.
10. ALISIN ANG KAMUNDUHAN.
- Huwag mong hayaang sirain ng iyong kamunduhan ang ika-anim na utos. Isa itong anay na unti-unting sisira sa iyo. Nakakasira ng diskarte ang pagnanasa.
Ang mundo natin ay hindi perpekto. Tayong mga tao ay hindi perpekto. Ang mga utos na ito ay siyang magsisilbing gabay at patnubay sa ating pamumuhay. Huwag na natin isali ang ating Lumikha sa mga kasamaan at kahayupang ating ginagawa. Binigyan tayo ng kalayaang pumili sa ating mga gagawin, pangatawanan natin at panindigan ang bunga ng ating mga kalapastanganan.
Isang mapagtikang gabi sa ating lahat.

Subscribe to:
Comments (Atom)