Wednesday, April 4, 2012

Visita Iglesia

Tuwing Huwebes Santo ay nakaugalian ko ng mag-Visita Iglesia. Pagpunta sa labing-apat na simbahan sa pamamagitan ng paglalakaad upang magnilay-nilay, alalahanin ang mga nagawang kasalanan sa Diyos, sa kapwa at sa sarili.
Masarap ang nakagawiang tradisyon dahil marami kang mapupulot na aral habang ikaw ay naglalakad patungong simbahan. Mapapansin mo ang iba nating kababayan na namamalimos sa gilid ng simbahan kasama ang mga anak, o kung minsan ay mga bulag na kumakanta at nagigitara. Kung ikaw ay maaawa, magbibigay ka ng barya; pero kung iisipin natin, tama ba o mali ang iyong ginawa? Sa kaunting baryang naibigay mo ay sigurado ka bang sa kanila mapupunta ang pera?;sa pagkain ba gagastusin?
Marami sa kanila ay biktima ng mga sindikato na nandito sa Maynila. Ikinakalat sila sa mga matataong lugar upang mamalimos at pagsapit ng hapon ay "sinusundo" sila ng mga miyembro nito. Malaking pera din pag pinagsamasama ang mga barya at ang tanging nakikinabang ay ang mga salot na sindikato.
Hindi masama ang tumulong sa kanila ngunit isipin din natin na ang ating ibininigay ay nagsisilbing "gatong" sa nagniningas na baga ng kasamaan. Maganda kung pagkain na lang ang ating ibigay sa mga kababayan nating hindi masyadong pinalad sa buhay.
Isang mapagpalayang tanghali sa ating lahat...

No comments:

Post a Comment