Monday, October 29, 2012

Ikapitong Yugto: Eskwela-kwela 2

Simulan natin ang diskusyon sa isang magandang hapon na pagbati sa inyong lahat! Bahagyang nahinto ang pasulat ng inyong lingkod upang bigyang daan ang ating pag-aaral ng kusong Pampublikong Pamamahala. 
Sa mga nagdaang mga araw, lingo at buwan, nakalikom ng mahahalagang kaisipan ang aking sarili na naging dahilan upang rebisahin ko ang isa sa mga naisulat ko na: ang Eskwela-kwela.
Sa ating panahon ngayon na puno ng agam-agam at kahirapan, naisipan kong dagdagan ang mga ideyang aking nabanggit sa unang yugto. Ang pag-aaral sa isang institusyon na may responsibilidad sa bawat paggawa. Hindi sapat na tayo ay pumapasok lamang upang mag-aral at matuto ngunit dapat din nating ikintal sa ating isipan na responsibilidad nating magamit ang ating mga natutunan. Ito'y sa ating bahay at sa ating kapaligiran. Maging responsable tayo sa ating mga kinikilos at sinasabi at ipakita natin na tayo ay karapat-dapat na tawaging mag-aaral. Lahat ay pwedeng mag-aral, kayang matuto ngunit hindi lahat ay responsable. Ang pagiging responsableng mag-aaral ay pundasyon ng isang pagiging mabuting mamamayan. Ang karunungan ang magpapalaya sa atin mula sa kahirapan at kung sasamahan pa ng pagiging responsable, ay hindi lamang tayo ang makakalaya sa kahirapan bagkus pati ang ating kapwa-tao.